Lunes, Abril 18, 2016

APARTMENT (Part 6 )

Part VI

Matapos kong maihatid sa terminal ng bus si Anne ay bumalik na rin ako kaagad sa aming apartment. Habang nasa tricycle ako ay sinariwa ko naman ang ilang araw naming pagsasamang muli ni Anne, dahil din kasi sa kanya, bukod sa kantutan namin ay naka-iskor akong muli sa GF ni pareng Estong na si ate Mika. Pero ang isang kinababahala ko ay ang sitwasyon kanina lamang, tiyak na away na naman ang dalawa.

Pagbaba ko ng tricycle ay dumaan na muna ako sa kalapit na karinderya upang bumili ng hapunan. Paakyat na ako sa aming building at tiyempo namang naabutan ko si Ice na paakyat rin.

"ate Ice!" bati ko sa kanya.

"hi." tipid niyang sagot, lumingon siya pero dumiretso pa rin sa pag-akyat.

"ate may problema ba?" pangungulit ko pa sa kanya.

"wala. wala lang ako sa mood" sagot niyang muli.

Hindi na ako muling nakapagtanong pa sa kanya. Halos bumilis din kasi ang lakad nya at tuluyang pumasok sa kanilang unit. Ako naman ay tumuloy na rin sa amin at naghanda nang kumain. Naalala ko si pareng Estong, kinatok ko siya ngunit walang sumasagot sa loob ng kwarto niya. Hindi ko na ipinilit baka tulog lang siya at tumungo na ako sa mesa upang kumain.

Habang ako'y naghahapunan ay nagmuni-muni rin ako. Siguro'y matatagalan pa bago makabalik muli si Anne dito sa Manila, wala naman kasi siyang trabaho, puro sideline. Ano na kaya nangyari kila Estong at Mika? Galit kaya sa akin si Ice? Iba't iba ang aking naisip. Kaya naman matapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay kinuha ko ang aking kaha ng sigarilyo at lumabas sa balkonahe.

"pwede po ba maki-join?" paalam ko kay Clariza na nauna na sa aming pwesto.

Hindi siya nagsalita, lumihis lamang ng pwesto at malayo ang kanyang tingin. "baka naman malaglag ka sa lalim ng iniisip mo ate?" biro ko pa.

Wala pa rin siyang reaksyon. Para akong baliw na nagsasalitang mag-isa. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, ang mang-amo ng babae, lalo na't hindi ko naman siya syota. Mabilis kong inubos ang aking yosi at tumalikod na. Nagdesisyon akong bumaba upang bumili ng isang bote ng beer, pampatulog lang. Pagtalikod ko ay nag side glance ako, napansin ko ring humabol ng tingin si Ice pero wala, hindi nya ako pinigilan.

"ate isang redhorse nga yung ice cold" wika ko sa tindera.

"bakit isa lang?" sabat ng isang babae. Si Diane pala ito, hindi ko napansin kaagad ang dalaga dahil ang isip ko ay naiwan siguro sa balkonahe sa taas.

"uy Diane! bakit gusto mo ba?" alok ko naman.

"uhm, may pasok bukas e, next time nalang" sagot naman niya.

Sabay kaming umakyat. Nabanggit ko ang ate Ice niya, tinanong ko kung anong problema nun dahil nga hindi namamansin. Sinabi nyang hindi rin naman sinasabi sa kanya, nagdadabog pa nga daw minsan isang gabing magkasama sila. Kahit na ayokong gawin ay naibilin ko kay Diane na kausapin si Ice, na gusto ko kakong makipagusap ng maayos.
"sige na Diane, pakisabi ha?" bilin ko pa bago kami pumasok sa aming unit.

Pagtataka ko ay bakit di parin lumalabas sa kwarto itong si Estong. Baka nag suicide na! Ito ang naisip ko. Kinatok ko siyang muli, mas malakas. Wala talaga. Tinawagan ko ang kanyang CP, nag ring at walang sumasagot. Maya maya ay nag text siya, "d2 me kila Mika, bkt?" text niya.

Nakahinga ako ng maluwag, ang akala ko kasi ay nagpakamatay na siya. Natawa na lang ako sa mga naisip ko. Binuksan ko ang aking beer, umupo sa sofa at nagrelax. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pintuan.

"Bogs?" tawag ng babae sa labas.

Kaagad kong binuksan at tumambad sa aking harapan si Ice. "hi ate, tuloy ka" wika ko naman.

Bago pa man ako makapagsalitang muli ay nagtatalak na itong si Clariza.

"...at ginamit mo pa itong si Diane para kausapin ako??" sigaw pa nito.

Wala akong nasabi, halos wala din akong naintindihan sa mga sigaw niya. Lalo akong naguluhan sa mga inasal ni Ice. Hindi ko alam ang kanyang motibo. Tumungga ako sa bote na aking hawak. "ate pwede huminahon ka?" hiling ko sa kanya.

"ano ba problema ate? bakit galit ka sakin?" tanong ko sa kanya nang ako'y makasingit sa kanyang pagbubunganga. Ibang klase palang magalit itong babaeng ito parang armalite ang bibig.

"i hate you!" wika niyang muli.

"hala? bakit hate mo ako? ano ba ginawa ko ate?" pagtataka ko.

Luminga-linga sya, tila may hinahanap. "si Estong??" tanong niya. "wala nandun kila Mika" sagot ko. "e yung babae mo??" tanong niyang muli. "umuwi na ate bakit ba?" sagot ko naman din.

Tumaas ang isang kilay ng dalaga. Parang pinipigil nya ang kanyang ngiti na parang galit pa rin.

"aha! alam ko na! nagseselos ang ate kong maganda! hahaha" bulalas ko at tila nainis pang lalo ang dalaga.

Halos hindi maipinta ang mukha ni Clariza that moment. Ako naman ay tawa lang ng tawa. Humalukipkip siya at dahil dito'y bumilog ang kanyang mga dede na siya namang napansin ko agad.

"bwisit! hmp!" sabay kurot sa akin ni Clariza, tumalikod at lumabas ng aming unit.

Hindi ko na hinabol ang dalaga, alam kong ok na kami. Kung galit kasi siya ay sampal ang aabutin ko, pero ang kurot niya ay yung kurot na lagi niyang ginagawa lalo na pagnahuli niya akong minamanyak ko siya. "bye ganda!" pahabol ko pa kay Ice bago isara ang pintuan. Nakangiti akong umupong muli at inubos ang aking beer. Lumipas ang kalahating oras ay dumating na si Estong. Mahaba ang mukha at tila may dinadalang problema pa rin.

"pare ok ka lang?" tanong ko sa kanya.

"well, hindi pare e, alam mo naman" sagot niya.

"wala na bang beer?" dugtong pa niya. Sinabi kong pwede niyang i-share ang problema niya at baka matulungan ko siya.

"parang malabo na kami ni Mika pare" wika ni Estong.

Hindi na niya sinabi ang mga detalye, hindi ko rin naman na inusisa. Ang alam ko talagang problema nila ay ang sekswal na pangangailangan nitong si ate Mika na ubod ng libog. Pero paano ito, kung malabo na sila, mukhang malabo na ring bumalik pa rito si Mika. Sayang naman sabi ko sa aking sarili. Hindi rin naman na binanggit sa akin ni pareng Estong ang problema niya sa kanyang t*t*. Nakakahiya nga naman iyon. Pero ang pinagtataka ko ay bakit si Anne noong kinantot niya ay wala namang nasabi ukol doon?

Tumayo na si Estong at nagtungo na sa kanyang kwarto. Itutulog na lang daw niya ang problema. Ako naman ay nag ayos na rin ng sarili at nagpahinga na. Habang nakahiga ako ay naisipan kong itext itong kapitbahay ko.

Bogs: "hi ate ganda..2log kna b?"
Ice: "tse!"
Bogs: "hehe galit k p b ate ganda?"
Ice: "kainis ka Bogs!"
Bogs: "sori n kc ate ganda.."
Ice: "2log kna! my pasok p bkas!"
Bogs: "gudnyt ate ganda, mwah!"
Ice: "mwah ka jan! hmp!"
Bogs: "gus2 mo totoo??"
Ice: "d m nmn kya! tse!"

Hindi na ako nagreply, nagtungo ako kaagad sa unit nila at kumatok. Nakahubad lang ako at naka boxers. Si Diane ang nagbukas ng pintuan.

"o kuya Bogs bakit?" wika ni Diane na napansin kong nakatingin sa aking ari na nakabukol sa boxer shorts ko.

"si Ice?" pabulong kong tanong.

Tinuro naman nya at di na nagsalita, nasa kwarto daw nila. Sumakay si Diane sa plano ko. Pumasok akong dahan dahan. Naabutan kong nakatitig si Ice sa CP niya. Nilakasan ko na ang aking loob, sinungaban ko siya at hinalikan. Walang nagawa si Ice, hindi naman siya lumaban. This time ay hindi sa pisngi ang aking halik, sa mga labi niya. Ang bango pala ng hininga ni Ice, kahit na yosi girl ay alaga ito sa mouthwash.

"uhmmmp..." ungol niya. "Bogs!! ano ba??" sabay tulak nya sa akin. Dito ko napansin na manipis pala ang suot niyang damit at wala siyang suot na bra. Bakat ang brownish nipples niya na medyo tayo na dahil sa halikan siguro.

"wala lang, goodnight ate ganda! ayan ha di na text yan" biro ko pa.

Namula si Clariza, hindi malaman ang gagawing reaksyon. "uhm, o sige matulog kana Bogs, goodnight.." wika niya na malumanay.

Ang mataray at taratitat na Ice kanina ay parang maria clara na ngayon. Ngumiti na lamang ako, nagpaalam at alam kong ayos na ayos na kami ni Ice. Nagkumot pa siya bago ako umalis na parang kinikilig.

"o ayos na? hihi" bati naman ni Diane paglabas ko ng kwarto nila. Nakatitig pa rin sa aking ari ang dalagang pinsan ni Ice. Pilyang bata ito sabi ko sa sarili ko.

Mula nang gabing pinasok ko si ate Ice ay madaming nagbago. Dumalas na ang joint session namin sa aming smoking area sa balkonahe. Hindi na namin pinaabot ang weekend upang lumabas, nakasama ko si Ice na manuod minsan ng last full show sa mall. Madalas na rin akong sumabay mag dinner sa kanila. Hindi ko alam kung bakit "nawala" ang pagnanasang sekswal ko kay ate Ice. Mas tinitigasan pa nga ako sa pinsan niyang si Diane lalo na at kumportable na rin itong walang suot na bra pag nakatambay ako sa kanila. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit gusto ko na laging kasama si Clariza.

"Bogs maaga ko matutulog mamaya ha, bukas nalang tayo manuod ng dvd" wika ni Ice nang masalubong namin siya ni pareng Estong sa baba matapos kaming bumili ng pagkain.

"pare mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Ice a?" tanong ni Estong.

"hindi sa nagsasawa ako sa iyo pare ha, pero masarap din palang may barkaadng babae haha" sagot ko naman.

"ulul ka baka naman bumigay kana??" biro pa ni Estong.

Si ate Mika naman ay parang nawala na sa eksena ng araw-araw na pamumuhay ni Estong. "Cool-off" daw sila. Ang alam ko sa cool-off ay parang "slow form of break-up", hindi naman nag-alala si Estong nang sabihin ko ito, parang ayos lang sa kanya.

"akala ko ba e seryoso na? bakit pumayag ka na mag cooloff kayo?" tanong ko habang kumakain kami.

"syempre pare, susubukan ko din naman ang kamandag ko, siya ang kusang babalik hintayin mo lang hehe" pagmamayabang pa ni Estong.

Sa isip ko'y ang kahinaan pa lang niya sa sex ay hindi na babalik itong si Mika. Gusto ko rin naman silang magkabalikan, may pagnanasa pa rin kasi ako sa kanya. Kapag tuluyang humiwalay ang GF niya ay mawawalan ako ng parausan, hindi ko din naman balak na sulutin, ayoko nang kumuha ng second hand. Dahil sa karanasan ko kay Anne, hindi ko naman siya GF, pero second hand siya galing kay Estong. At ang ayaw ko mangyari ay kung maging syota ko man si Mika, maaaring pagnagkita sila ni Estong in the future ay parang naulit lang ang pagkikita nila ni Anne.

"pare? malalim yata iniisip mo?" wika ni Estong.

"ah pare, wala napaisip lang" palusot ko naman.

"ligawan mo na kasi pare, maganda naman si Ice. Yung pinsan ba niya e may BF na?" tanong pa niya.

Aba ang loko uunahan pa yata ako, sabi ko sa sarili ko. Nagdalawang isip ako sa mga suggestion ni Estong. Maaaring bumalik siya sa dating gawi, ang maging babaero. Kung di ko babakuran si Ice ay malamang na maging second hand na naman ito pagdating sa akin.

"pare, paubaya mo na sa akin si Ice, balikan mo na kasi si Mika" wika ko.

"e mukhang malabo na e, hmmm, yayain natin pare minsan yung dalawa uminom? tutal single naman ako ngayon haha" sagot naman ni Estong.

Alam ko ang balak nitong si Estong, sabi nga "pag may alak, may balak". Pumayag naman ako sa gusto nyang inuman, pero for sure ay hindi niya pwedeng landiin si Ice. Kaylangang umaksyon na ako bago pa makasingit si Estong. Kay Diane nalang siya pwede pa tutal nasa malayo ang BF nun.

Matapos kaming kumain ay usual ang routine ko, ang mag yosi sa labas kasama si Ice. Pero this time ay tila nang-aasar talaga itong si Estong. Sumama siya sa akin magpapahangin lang daw.

"hi Ice!" bati ko sa dalagang maganda na nauna na sa aming pwesto.

"hi Ice! nagyoyosi ka rin pala" bati naman nitong si Estong.

"hi kuya Estong, oo matagal na" sagot naman niya.

"hindi halata ha, pula pa rin kasi labi mo" bola pa ng loko.

Nagsindi ako ng yosi ko at lumayo ng tingin. Kita sa balkonahe ang Makati skyline, magandang tanawin. Si Estong naman, tila umaaksyon na. Nanghingi pa ito ng yosi kay Ice, na alam kong matagal na siyang nag quit.

"nagyoyosi ka rin kuya?" tanong ni Ice sabay abot naman ng kaha niya.

"ngayon lang nakakahiya sa iyo e" bola naman ni Estong.

Pagkakataon nga naman, lagi nalang ba akong susulutin nitong pare ko? Mabilis kong inubos ang aking sigarilyo at nagpaalam na sa dalawang naguusap. Nagpalusot nalang ako na nahihilo at matutulog na, pero sa totoo lang ay naiinis ako. Moment dapat namin ni Ice yun. Tumalikod ako at hindi man lang ako pinigilan ni Ice o maging ang sulutero kong pare.

Pagpasok ko sa unit ay nahiga ako sa aking kama. Inis na inis ako sa aking sarili. Ngunit ilang saglit ay tumunog ang aking CP at may nag message.

Ice: "Bogs, aga m yta tulog?"

Medyo gumaan ang aking nadarama, sa text pa lang ni Ice ay masaya na ako.

Bogs: "nahihilo kc me ate" palusot ko.
Ice: "huu, 2mgil k nga! alm k na op ka, eto pumasok nko, yang pare m msyadong feeling! haha!"

Sabay pasok naman ni Estong sa aing unit. Tama nga, iniwan din ni Ice si Estong, marahil sumobra ang pambobola nito kaya't di na natiis ni Ice. Hindi na ako nagreply, panatag na ang loob ko na hindi na nakarami pa si Estong kay Ice. Ilang saglit ay nag text siyang muli.

Ice: "huy! d kna rep? labas ka muna my bgay lng me"

Agad akong bumangon, si pareng Estong naman ay nasa loob na ng kwarto niya. Lumabas ako at dumiretso sa pintuan nila Clariza. Kumatok ako at kaagad namang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin si Ice, nasilip ko naman si Diane na nagco-computer sa sala nila.

"o bakit ate?" tanong ko.

"wag kana magtampo, alam kong di kita nakibo kanina, kanina sa oras natin" paliwanag ni Ice.

"ah ok lang ate" sagot ko at akmang aalis na.

"teka, lapit ka" wika niya.

Akala ko ay may ibubulong sa akin si Ice. Bigla nya akong hinalikan sa pisngi. Ramdam ko ang malambot na labi ni Ice, maging ang halimuyak ng kanyang katawan.

"tsup!"

"ay yun lang? hehe" biro ko pa.

Kinurot pa ako ni Ice sa aking tagiliran. Pinisil ang aking pisngi na parang bata. Napatingin siya kay Diane na nagmamasid sa amin.

"yan na muna Bogs..hihi..sige na goodnight!" wikang pabulong ni Ice.

Halos pumalakpak ang aking tenga noong gabing iyon. Hindi na ako ang nagnanakaw ng halik sa kanya. Siya na mismo ang humahalik sa akin kahit sa pisngi nga lang. Iba na itong nararamdaman ko para sa dalaga. Sana totoo, sana walang sulutan na maganap.

Bumalik ako sa aming unit na abot tenga ang ngiti. Parang akong nasa ulap ika nga. "in love" kaya ako kay Clariza?? ito ang naitanong ko sa aking sarili. Sa aking bukabularyo ay kinalimutan ko na itong "love" mula nang ako'y nasawi sa pag-ibig noong kolehiyo. Ipinalit ko ang "flirt" dito. Mula kasi nang ako'y iwan ng aking unang GF noong college ay hindi na ako nagseryoso, puro one night stand na lang o FUBU, just sex no strings attached sabi nga.

Masaya ako pero kabado, paano kung magseryoso ako? baka kasi matulad ako kay Estong, seryoso nga siya, pero ang GF nya naman nagpakantot sa akin, lalo na ngayon nagkakalabuan na sila. Nakaka-trauma.

Madaming sumagi sa aking isipan. Madaming haka-haka. Pero sabi ko sa sarili ko, bahala na. Ang importante sa akin ay ako ang maka-una kay Ice, hindi ako papayag na mauna sa akin muli si Estong.

Nagtext muli si Ice makalipas ang isang oras. Matutulog na sana ako nuon.

Ice: "2log kna Bogs?"
Bogs: "bkt?"

Ice: "yosi muna tyo isa pa pampa2log, wag m n isma yung pare m"

Kaagad akong tumayong muli upang tumungo kay Ice.

Nakashorts lamang akong lumabas upang puntahan si Ice sa aming smoking area. Nakahubad talaga akong natutulog dahil di naman kami naka-aircon at sadyang mainit ang panahon. Magyoyosi lang naman sabi ko pa.

"hi ate, kala ko ba goodnight na?" tanong ko nang magkita na kami sa balkonahe.

"uhm, di kasi ako makatulog" wika naman ni Ice. "salamat Bogs ha?" dugtong pa niya.

"salamat saan?" pagtataka ko at nagsindi na kami ng sigarilyo.

"sa pagiging mabait mo sa akin, isang text lang nandito kana agad" sagot naman niya.

Natuwa naman ako sa turing ni Ice, na-appreciate pala niya ang aking kabaitan sa kanya. Nagkwentuhan kami at dahil sa pagkakaroon ko ng "respeto" kay Clariza ay hindi ko agad napansin ang kanyang suot. Hindi naman ito bastusin, pero kapag tititigan mo ang damit niyang t-shirt na puti na manipis ay maaaninag ang kanyang nipples. Dahil dito ay napansin niyang napapatingin ako.

"huy ano ka ba Bogs! ang manyak mo talaga!" sabay kurot na naman sa akin ni Ice sa aking tagiliran.

"ate, honestly sino ba naman ang hindi mapapatingin sa suot mo, ayan o bakat yan, bakit naman kasi ganyan suot mo" paliwanag ko.

Medyo natahimik si Ice sa sinabi ko. Narealize nya na bakat nga talaga ang utang niya. Hindi naman niya ito tinakpan pero hindi naman niya ito binuyangyang.

"you got a point Bogs, sorry for labeling you manyak.hihi. Comfortable naman kasi ako sayo Bogs, alam kong di mo ako babastusin" wika niya.

"well, sana wag ganyan, pano nalang kung may ibang tao?" paalala ko naman sa kanya.

"e ikaw lang naman e kaya ayos lang, hihi" biro pa niya.

"so pwede kong titigan??" biro ko naman.

Halos matanggal na ang aking balat sa tagiliran ko kakakurot niya. "ikaaaw talagaaaaaa! uhmmm!" bulalas ni Ice.

Nagkatitigan kami. Kita ko sa mata ni Ice na panatag na siya sa aking piling. "Bogs, pwede wag mo na ko tawaging ate?" wika niya habang hindi pa rin nagkakalas ang aming tinginan.

"bakit naman? e mas matanda ka sa akin" sagot ko naman.

"kasi awkward naman kung ate ang tawag mo sa akin lalo na sa public, baka sabihin nila inaabuso kita haha" sagot niya.

Hindi ko alam ang ibig niyang ipahiwatig. "sige pero pag tayo lang pwedeng ate parin tawag ko sayo?" tanong ko pa.

"maiba ako, sabi mo may BF ka? bakit di ko yata nakikita?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya agad sumagot. Hindi ko rin naman siya kinulit, baka magalit pa sa akin. Natapos ang aming yosi session. Ako na ang nagyaya dahil dinapuan na rin ako ng antok. "ate tara na?" wika ko.

"tara saan?" sagot niya. Parang ayaw pa niyang umalis o pumasok na sa unit nila. Parang may gusto pa siyang iparating ngunit pinipigil niya.

"uhm Bogs, paano ka ba manligaw?" wika niya nang ako'y aalis na sana.

"ha? eh, wala, matagal na akong di nanliligaw e, bakit mo naitanong?" sagot ko.

"wala naman, ang manhid mo kasi" sabay alis at nagyaya na siyang matulog na.

Naguluhan ako sa mga sinabi ni Ice. Manhid daw ako. Huli ko itong narinig at sinabi sa akin e noong first year college pa lang ako. Sinabi ito sa akin ng isang classmate ko na di naman kagandahan pero type daw ako.

"Ice wait" wika ko bago niya mabuksan ang pintuan nila.

"o why?" sagot niya na medyo mataray.

"gusto kita Ice, gusto kita miss Clariza" ito ang lumabas sa aking bibig na hindi ko napigilan o hindi ko alam kung bakit ko nasabi.

"oh really? haha tulog mo na yan Bogs" sagot naman niya.

Tila parang naging challenge pa sa akin ang isinagot niyang iyon. Kaya ang aking sumunod na ginawa ay ang hawakan ang kanyang kamay. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at hindi naman siya tumanggi. Tila hinihintay niya ang aking gagawin.

"goodnight ate" saka ko siya hinalikan muli. Sa labi.

"ikaw Bogart, nakakarami kana. Ikaw pa lang ang nakakahalik sa akin na hindi ko BF!" wika niya pero hawak ko pa rin ang kanyang kamay. Malamig ang kamay ni Ice.

"ate pwede ba kitang ligawan?" wika ko. Sunod sunod na ang mga sinabi ko na hindi ko inaasahan.

"are you serious??" pagtataka niya. "ligaw ligaw e nakaka halik kana, hmp!" kinurot na naman ako.

"e ikaw nga, halos lapnos na yang balat ko kakakurot mo" balik ko naman.

"ay sorry hihi" sabay himas niya sa aking beywang.

"so pwede ba?" tanong ko muli.

"ano bang pwede?? manligaw? e nakakahalik kana nga..manhid ka talaga Bogs! ewan ko sayo" sagot niya.

Binitiwan na nya ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa kanya. Isasarado na niya ang kanilang pintuan at pinigilan ko ito. "ate" wika ko. "oh?" sagot niya.

"pa kiss nga ulit" hindi na siya nakasagot at hinalikan ko siyang muli sa kanyang mga labi. Napaungol si Ice. Kakaiba ang reaksyon niya kesa noong unang mga nakaw kong halik sa kanya.
"uhmmmmm..." ungol ni Clariza.

Hinawakan ko ang kanyang batok. Mas mahaba ang halik ko ngayon, hindi na ito nakaw. Kung dati ay nakatikom ang kanyang bibig, ngayon ay binuksan na niya ito at unti-unting inilabas ang dila. Kahit na kakatapos lang namin mag yosi ay talagang mabango ang hininga ni Ice, parang may gatas. Halos magkayakap na kami sa harap ng kanilang pintuan habang naghahalikan. Nakalapat ngayon ang aking katawan sa kanya. Unti-unting tumigas ang aking ari, at alam kong tumutumbok ito sa harapan niya.

"Bogs..." wika niya at nagkalas kami sa maka-ubos hiningang halikan.

"te?" sagot ko. "pigilan mo yan, let's do this the normal way" sagot niya.

Ang tinutukoy niya ay ang matigas kong ari na tumutumbok sa kanyang puson. "so tayo na ate? tayo na ba?" tanong ko kay Clariza.

Ngumiti lamang si Ice. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng kanyang malambot na palad. Idinikit ang kanyang ilong sa akin. Hinihintay ko pa rin ang kanyang isasagot kung "kami" na nga talaga. Muling naglapat ang aming mga labi. Siya ngayon ang nag-initiate ng halikan. Ilang saglit lang ay kumalas naman siya kaagad.

"see you tommorow Bogs...Goodnight" at tuluyang pumasok na si Ice sa kanilang unit.

Natulala ako, marahil ang halik niyang iyon ang sagot sa aking tanong. Hindi man niya sinabi ay naintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig. Sinampal ko pa ang aking sarili, baka kako nananaginip lang ako. Totoo nga, hindi na tipikal na "kaibigan" ang relasyon namin ni Ice. Hindi ko lubos maisip na magiging kami. Pumasok na rin ako sa aming unit at dumiretso sa aking higaan. Kinuha ko ang aking CP at tinext ko pa si Ice.

"gudnyt ate, mwah!" masaya kong text.

Kaagad naman siyang nagreply, "nyt nyt din beh, sleep kna ok?" halos di ko maintindihan ang galak sa aking sarili sa pagka-kilig. Iba na rin ang tawag niya sa akin. Iba na ito, hindi na ito ang dating Bogs. Ano kaya ang sasabihin ni Estong kapag nalaman niya ang sitwasyon namin?

Nakatulog akong nakangiti sa tingin ko. Maaga rin akong nagising. Ako na ang nagluto ng aming agahan. Tinext ko naman si Ice upang magkita sana muna kami bago sila pumasok ni Diane. "pasok n kmi beh" text ni Ice at lumabas naman ako agad.

"good morning ladies, good morning Ice" bati ko sa kanila.

"ingat ka ha? kita tayo mamaya ha?" dugtong ko pa, at syempre, may goodbye kiss sa pisngi niyang malambot.

Napangiti naman itong pinsan niyang si Diane sa mga inasal namin noong umagang iyon. Hindi kami pwedeng magsabay pumasok dahil magkaiba ang way ng aming pinagtatrabahuhan. Hindi ko rin naman siya pwedeng sunduin sa uwian dahil mas maaga silang umuuwi. Kaya't ang naging set up namin ay tuwing umaga bago siya pumasok ay dadaan muna sa akin, tapos sa gabi ay sabay kami kumakain, at kwentuhan hanggang gabi sa balkonahe. Hindi naman kaagad nalaman ni Estong ang aming relasyon. Akala niya ay dati parin na kaibigan lamang. Kaya't nang magyaya na si Estong ng inuman, ay malakas na ang aking loob. Alam kong may bakod na si Ice at hindi na siya magpapabola kay Estong. Biyernes ng gabi ang napagkasunduan naming araw na maginuman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento